ANG BABAENG NAGHUBAD SA DALAMPASIGAN NG OBONG
Labis ang aking pagkagitla
sa unti-unting pagkalaglag
ng iyong patadyong
animo’y pilantik ng pasol
sa mayamang pamana
sa maputing dibdib mo.
Kay ganda ng pagkalatag
ng dalawang biyoos,
nakausli sa may umaga
sana’y makatitiyad ako sa ibabaw
ng aking balikhaw!
O anong sarap sumigaw ng mahinahon!
Habang lumilingon-lingon ka
Kung wala bang kasalo sa iyong pagpapabaya,
Naglagitgitan ang mga dahon,
Itinulak ng lunti ang mga laya
at nakisalamuha sa lupa;
pababa ng pababa ang patadyong
kumalat ang iyong kariktan,
‘kinalong ka ng mga alon
inakay ka ng batis
ng liwanag at lilim
hinangad ang mga lusay
upang gawing pana
sa kanilang malikmata
nilathala kang walang katumbas
sa mga hangari’t panaginip
ang iyong pusod karangalan ng Ladabi,
ang iyong kinding dalisay na Sugbuanon;
ibinintang ko sa langit
ang aking kasiyahan
pagkat ng umigkas ang bingwit
iniwan mo ng taga ang aking
kasingkasing.
No comments:
Post a Comment