RIGINAL TAGALOG LYRICS
Mabangong bulaklak
simbango ng buhay
humahalimuyak sa gabi at araw
Bulaklak na tangi
na lunti ang kulay
kahit na malanta
may bango ring taglay
KORO:
Iya'y ilang-ilang
ang tanging bulaklak
na ang katamisa'y hindi kumukupas
Bulaklak na tangi
na namumukadkad
sa tangkay ng isang pag-ibig na tapat.
http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tagalog-Folk-Songs/ilang-ilang-song-lyrics-and-recording.html
No comments:
Post a Comment