Monday, March 7, 2011

Saturday, February 26, 2011 Regla sa Buwan ng Hunyo (R. MabangLo) Pagbigyan ang pwersang ito: lakas na umaahon sa sinapupunan, init na sumusubo, dumadaloy, umiigkas, kusang lumalaya't lumalayaw kahit na sinusupil, dumadanak at bumabakas hatdan man ng hilahil. Pagbigyan ang pwersang ito-- ito: kabuuan ng lahat kong pagkatao, kabuuan ng kaibhan ko't pagkakatulad sa lahat ng tao, kabuuan ng naimpok kong alaala't ginagastang kasalukuyan kabuuan ng kinabukasang isinasanla sa kalendaryo. Pagbigyan ang pwersang ito-- hayaang magmapa sa talaan ng utang ko't pautang, hayaang maglimbag ng sagutin ko't pananagutan: sa sarili, sa angkan at sa lipunan: hayaang magbadya ng karaingan ko't pangangailangan, ngayon, habang nilalason ng maraming kabaro ang itlog at semilya at binubulok naman ng iba sa sansupot na goma ang bunga ng pag-ibig at pagtatalik. Ay, anong kilusan, martsa't litanya upang mapuksa ang sanggol nang buong laya? Ilang liblib na klinika, basurahan at kubeta ang pag-iimbakan ng kapusuka't sala? Kahit ang ampunang nagbobodega ng pananagutang itinatwa may sumbat ng kalikasang di matatakasan. Pagbigyan ang pwersang ito-- ismiran ang humuhugot na kirot, batahin ang hagupit habang tinatanggap, tinatanggap ang katuturang pumapaso sa pagtigmak. Ito ang pagtagay sa Hunyo sa kalis ko-- nobya, asawa, kerida, o kahit ng bayarang tagapagpaligaya: ito ang testamento, ang kontrata, ang sumpa: ito ang saligan, ang kahulugan at kahungkagan ng buhay at pag-iral. Pagbigyan, ito, ang agos ng madlang pagsulong-- hininga ng pag-asa ang namimilapil dito. Saturday, February 26, 2011 Regla sa Buwan ng Hunyo (R. MabangLo) Pagbigyan ang pwersang ito: lakas na umaahon sa sinapupunan, init na sumusubo, dumadaloy, umiigkas, kusang lumalaya't lumalayaw kahit na sinusupil, dumadanak at bumabakas hatdan man ng hilahil. Pagbigyan ang pwersang ito-- ito: kabuuan ng lahat kong pagkatao, kabuuan ng kaibhan ko't pagkakatulad sa lahat ng tao, kabuuan ng naimpok kong alaala't ginagastang kasalukuyan kabuuan ng kinabukasang isinasanla sa kalendaryo. Pagbigyan ang pwersang ito-- hayaang magmapa sa talaan ng utang ko't pautang, hayaang maglimbag ng sagutin ko't pananagutan: sa sarili, sa angkan at sa lipunan: hayaang magbadya ng karaingan ko't pangangailangan, ngayon, habang nilalason ng maraming kabaro ang itlog at semilya at binubulok naman ng iba sa sansupot na goma ang bunga ng pag-ibig at pagtatalik. Ay, anong kilusan, martsa't litanya upang mapuksa ang sanggol nang buong laya? Ilang liblib na klinika, basurahan at kubeta ang pag-iimbakan ng kapusuka't sala? Kahit ang ampunang nagbobodega ng pananagutang itinatwa may sumbat ng kalikasang di matatakasan. Pagbigyan ang pwersang ito-- ismiran ang humuhugot na kirot, batahin ang hagupit habang tinatanggap, tinatanggap ang katuturang pumapaso sa pagtigmak. Ito ang pagtagay sa Hunyo sa kalis ko-- nobya, asawa, kerida, o kahit ng bayarang tagapagpaligaya: ito ang testamento, ang kontrata, ang sumpa: ito ang saligan, ang kahulugan at kahungkagan ng buhay at pag-iral. Pagbigyan, ito, ang agos ng madlang pagsulong-- hininga ng pag-asa ang namimilapil dito.

Saturday, February 26, 2011

Regla sa Buwan ng Hunyo (R. MabangLo)

Pagbigyan ang pwersang ito:
lakas na umaahon sa sinapupunan,
init na sumusubo, dumadaloy, umiigkas,
kusang lumalaya't lumalayaw
kahit na sinusupil,
dumadanak at bumabakas
hatdan man ng hilahil.

Pagbigyan ang pwersang ito--
ito:
kabuuan ng lahat kong pagkatao,
kabuuan ng kaibhan ko't pagkakatulad
sa lahat ng tao,
kabuuan ng naimpok kong alaala't
ginagastang kasalukuyan
kabuuan ng kinabukasang isinasanla
sa kalendaryo.

Pagbigyan ang pwersang ito--
hayaang magmapa sa talaan
ng utang ko't pautang,
hayaang maglimbag ng sagutin ko't
pananagutan:
sa sarili, sa angkan at sa lipunan:
hayaang magbadya
ng karaingan ko't pangangailangan,
ngayon,
habang nilalason ng maraming kabaro
ang itlog at semilya
at binubulok naman ng iba
sa sansupot na goma
ang bunga ng pag-ibig at pagtatalik.
Ay, anong kilusan, martsa't litanya
upang mapuksa ang sanggol
nang buong laya?
Ilang liblib na klinika, basurahan at
kubeta
ang pag-iimbakan ng kapusuka't sala?
Kahit ang ampunang nagbobodega
ng pananagutang itinatwa
may sumbat ng kalikasang
di matatakasan.

Pagbigyan ang pwersang ito--
ismiran ang humuhugot na kirot,
batahin ang hagupit
habang tinatanggap, tinatanggap
ang katuturang
pumapaso sa pagtigmak.

Ito ang pagtagay sa Hunyo
sa kalis ko--
nobya,
asawa,
kerida,
o kahit ng bayarang tagapagpaligaya:
ito ang testamento, ang kontrata, ang
sumpa:
ito ang saligan,
ang kahulugan at kahungkagan
ng buhay at pag-iral.
Pagbigyan,
ito,
ang agos ng madlang pagsulong--
hininga ng pag-asa
ang namimilapil dito.

1 comment:

  1. This is all about the changes that all woman will experience.a girl is very problematic oneday because her menstruation is not yet arrived.she's afraid that maybe she is pregnant...The lesson in this story is we should not do anything if we are not yet ready to face the out come of what we have done

    ReplyDelete